Mag-English na parang may kausap kang totoong guro

Makipagkuwentuhan sa AI tutor na nakikinig at agad nagtuturo ng tamang sagot kapag nagkamali ka. May mundo ka pang malalaro at matutuklasan, kaya ganado ka pa rin kahit lampas na sa ikatlong araw.

Walang kailangang card. Dalawang minuto lang, makakapagsimula ka na sa unang aralin mo.

Bakit Tutoro? Kapalit na ng tutor, mas magaling pa.

Sa Tutoro, magpraktis magsalita, makinig, at magbasa sa English. Parang may kasama kang totoong tutor sa bawat aralin.

  • $400 kada buwan

    Libre

  • Dalawang klase kada linggo

    24/7

  • Plano ng guro

    Umaayon sa iyo

  • Totoong aralin, aktuwal na usapan

    Makipag-usap sa teacher mo. Sasagot siya, magpapaliwanag, at magbibigay ng mga pagsasanay habang nag-uusap kayo.

  • Magpraktis para sa kahit anong sitwasyon

    Magpraktis para sa job interview o pagpapatingin sa doktor, sumabak sa isang pakikipagsapalaran, o gumawa ng sarili mong sitwasyon.

  • Piliin ang kausap mo

    Iba-iba ang punto at personalidad ng mga teacher. Piliin ang kasundo mo.

  • Kita agad ang dapat mong pagbutihin

    Pagkatapos ng bawat aralin, tingnan ang scores mo at kung saan ka paulit-ulit na nagkakamali.

  • Mga salitang hindi mo malilimutan

    Babalikan mo sa maiikling laro ang mga salitang malapit mo nang makalimutan, hanggang matandaan mo na talaga.

  • Pag-aaral na may direksiyon, hindi puro scroll

    Sa bawat aralin, uusad ka sa mapa. Tapusin ang isang mundo para mabuksan ang kasunod.

  • Mag-level up. Literal.

    Gumawa ng sarili mong tauhan. Sa bawat aralin, tataas ang level niya at aangat siya sa mga liga.

Aralin

Tutor na laging may oras para sa iyo

Mag-aral kahit kailan mo gusto sa mga araling 10 minuto lang at bagay sa antas mo. Madalas kulang sa praktis sa pagsasalita ang ibang kurso; dito, iyon ang pokus ng bawat aralin.

  • Piliin ang guro mo

    Pumili ng tutor na gusto mo ang accent at ugali. Gusto mong sumubok ng iba? Isang tap lang ang pagpalit.

  • Makipag-usap na

    Habang nag-uusap kayo, magsisingit ang tutor mo ng maiikling pagsasanay. Walang sauluhan ng mga tuntunin sa pisara.

  • Tingnan ang resulta mo

    Itatama agad ng tutor ang mga mali mo sa bawat sagot. Sa dulo, makikita mo sa resulta kung saan ka pa kailangang magpraktis.

  • Tumuloy sa susunod na hinto

    Mag-ipon ng XP para mabuksan ang susunod na lugar sa mapa. Ang mga salitang nahihirapan ka pa ay babalikan mo sa mga laro.

  • Pagsasalita

  • Pakikinig

  • Tamang gamit ng salita

  • Grammar na walang sauluhan

Tingnan ang aralin

Magpraktis ng English sa iba't ibang sitwasyon kasama ang 20+ tutor

Makipag-usap, mag-type, at sagutan ang mga pagsasanay. Itatama agad ng AI tutor mo ang mga mali mo para handa kang mag-English sa kahit anong sitwasyon.

  • Sophia

  • Margaret

  • Kai

pa

  • Pagrekord ng boses

    I'd like a table for two, please.

  • I-type ang sagot

    Could we sit by the window?

  • Buuin ang pangungusap

    Seven o clock works for us

Buuin at pormahan ang karakter mo

Parang laro ang pag-aaral kapag ikaw ang bida. Gumawa ng sarili mong karakter at magbukas ng mga bagong damit at aksesorya habang humuhusay ka.

  • Salamin

  • Sumbrero

  • Pang-itaas

  • Pang-ibaba

  • Sapatos

  • Mukha

  • Kilay

  • Ilong

  • Labi

Mga aralin sa mapa, hindi sa listahan

Dito, may paglalakbay kang aabangan sa halip na listahang i-scroll. Bawat aralin, hango sa pang-araw-araw na buhay, at bawat bagong lugar na mabubuksan mo, tanda ng paghusay mo.

Bawat isla, isang aralin. Tapusin mo ito para mabuksan ang kasunod, kaya alam mo lagi ang susunod mong pag-aaralan.

Word Battle

  • Parang

    • Mga unang salita

    • Mga numero at oras

    • Umorder ng kape

    • Makipagkilala sa iba

  • Disyerto

    • Pagtatanong ng daan

    • Pag-check-in sa hotel

    • Hapunan para sa dalawa

    • May aberya

  • Bundok

    • Ikuwento ang trabaho mo

    • Magalang na pagtutol

    • Pagsagot sa interbyu

    • Kuwentuhang walang ilangan

  • Niyebe

    • Kumbinsihin ang kausap

    • Sabihin ang iniisip mo

    • Mga idyoma sa araw-araw

    • Makisabay sa usapan

Word Battle

Talunin ang mga totoong manlalaro sa Word Battles

Paramihan kayo ng kalaban mo ng tamang sagot sa loob ng 60 segundo, gamit ang mga salita mula sa mga nakaraan mong aralin. Panalo man o talo, may natututuhan ka.

Ikaw

Marta

  • Dobleng XP

  • Kalasag

  • Dagdag oras

Piliin ang tamang salita

  • gentle

  • masagana

Mangolekta ng mga gantimpala at ganahang magpatuloy

Bawat gantimpalang makukuha mo, mas gaganahan kang bumalik bukas.

  • Streak

    Lumaktaw ka ng isang araw, mamamatay ang apoy. Ganoon lang kasimple, pero gaganahan kang bumalik araw-araw.

  • XP

    May XP ka sa bawat aralin, laban, at story. Dito nakabatay ang puwesto mo sa liga bawat linggo.

  • Almases

    Mag-ipon ng Almases habang nag-aaral. Gamitin ang mga ito para makakuha ng mga tutor, gamit, at pampalakas.

Kung kailan ka libre

Magpraktis ng mga salita sa laro, magbasa ng mga interactive na story

Sa Word Rider, laro ang paraan mo para balikan ang mga salitang madalas mong maliin. Sa mga story, makinig, mag-tap ng kahit anong salita para malaman ang kahulugan, at sumagot sa mga tanong.

Umakyat sa mga liga, humusay sa English

A1 → B2

Tuwing Lunes, mapapasama ka sa grupong may 30 nag-aaral, at XP ang batayan ng ranggo ninyo. Kung nasa unahan ka sa pagtatapos ng linggo, aakyat ka ng liga; kung nasa hulihan, bababa ka.

Dito ka magsisimula

Hindi ka bababa sa Bronze. May sampung liga, at may Almases kang makukuha sa bawat pag-angat mo sa susunod.

  • Bronze

  • Silver

  • Gold

  • Sapphire

  • Ruby

Mga mag-aaral, nagbahagi

Maikling mga review mula sa mga nagpatuloy matapos ang unang linggo.

  • Sa wakas, may app na talagang napagsasalita ako ng Ingles!

    L.K.

  • Hindi ko akalaing ganito ka-natural kausap ang AI tutor. Gusto ko na puwede akong sumagot nang pasalita at makakuha agad ng paliwanag habang nag-uusap kami.

    M.R.

  • Marami na akong nasubukang app para matuto ng wika, pero karamihan, paulit-ulit na lang matapos ang isang linggo. Mas masigla sa Tutoro kasi kasama na sa usapan ang mga pagsasanay.

    A.S.

  • Pinakagusto ko talaga ang practice sa pagsasalita.

    N.P.

  • Parang naglalaro lang ako habang nag-aaral. Kaya ang sarap balikan araw-araw.

    D.M.

  • Gusto ko na puwedeng magsalita o mag-type, depende kung nasaan ako.

    S.T.

  • Maikli, diretso at madaling sundan ang mga aralin. Kadalasan, nakakatapos ako ng isa habang nagpapahinga, kaya hindi mabigat sa oras.

    J.B.

  • Ang dali kong maintindihan kapag ipinapaliwanag ng tutor ang mga mali ko. Kahit mali ang sagot ko, alam ko agad kung ano ang dapat itama.

    E.K.

  • Word Battles yata ang pinakapaborito ko. Mas masayang mag-aral ng mga salita kapag may kalaban ka.

    R.V.

  • Ang sarap makita sa mapa ng isla kung gaano na kalayo ang narating ko.

    C.N.

  • Dati, naiintindihan ko naman ang Ingles pero hirap akong magsalita. Simula nang regular akong gumamit ng Tutoro, mas kampante na akong sumagot nang pasalita.

    I.G.

  • Madaling sundan ang mga story, may matututunan ka, at ang ganda ng pagkakagawa. Gusto ko lalo na puwedeng i-tap ang salitang hindi ko alam para makita ang ibig sabihin.

    F.L.

  • Sa lahat ng nasubukan kong app para matuto ng Ingles, ito yata ang pinakanakakagana.

    T.A.

  • Gusto ko na hindi parang sumusunod lang sa script ang usapan. Kahit bigla akong magtanong ng ibang bagay, nakakasabay pa rin ang tutor.

    V.H.

  • Dahil sa practice sa pagbigkas, napansin ko ang mga mali ko na ilang taon ko nang ginagawa.

    P.D.

  • Sa wakas, nakasanayan ko nang mag-aral ng Ingles araw-araw.

    G.S.

  • Ginaganahan talaga ako sa Streak, mga liga at mga gantimpala. Nag-download ako para magpraktis magsalita, pero dahil parang laro, tuloy-tuloy na akong nag-aaral.

    B.R.

  • Ang ganda ng Malayang Usapan kapag ayokong sumunod sa aralin at gusto ko lang magpraktis ng Ingles sa simpleng kuwentuhan.

    K.M.

  • Sakto sa level ko ang mga aralin. Hindi ko kailangang ulit-ulitin ang mga pangbaguhan.

    H.C.

  • Gusto ko na puwede akong magtanong sa tutor kahit kailan. Para talaga akong may sariling guro, hindi lang app na puro pagsasanay.

    O.J.

  • Ang ganda ng kombinasyon ng usapan, laro at mga story. Iba-iba ang ginagawa ko, kaya hindi nakakasawang mag-aral araw-araw.

    W.P.

  • Ilang linggo pa lang, mas malakas na ang loob kong magsalita ng Ingles. Pinakamalaking pagbabago para sa akin: hindi ko na kailangang isalin sa isip ang bawat pangungusap.

    M.C.

  • Mas interactive talaga kaysa sa mga karaniwang app para matuto ng wika.

    Y.R.

  • Lagi akong bumabalik para makipag-usap sa AI. Nakakapagpraktis ako na parang totoong tao ang kausap ko.

    A.N.

  • Hindi ko akalaing nakakaadik ang Word Rider.

    D.K.

  • Ngayon, inaabangan ko na talaga ang susunod kong aralin. Ngayon lang ako naging ganito kasabik sa kursong Ingles.

    L.F.

  • Ang bago ng paraan ng pag-aaral ng English dito. Maraming praktis, tapos may halong laro kaya hindi nakakasawa.

    R.S.

  • Ang laking tulong sa pagpraktis magsalita. Sana dagdagan pa ang mga sitwasyon at role-play na puwedeng subukan.

    N.V.

  • Ang ganda ng app, at pinag-isipan talaga ang mga aralin. Minsan ang bilis maubos ng enerhiya ko, pero dahil doon, paunti-unti akong nakakapagpraktis sa buong linggo.

    E.T.

  • Ang galing ng AI tutor at ng mga aralin sa pagsasalita. Sana lang mas marami pang damit at paraan para baguhin ang itsura ng avatar ko.

    J.M.

Dalawang minuto lang, simula na ng unang aralin mo

Hinihintay ka na ni Sophia. Libre lang, walang kailangang card.